Martes, Nobyembre 27, 2012

tara na sa norte....

ILOCOS SUR VIEW


Isang tahimik at maaliwalas na panahon ang araw na 'to....Kaya naisipan kong kuhanan ng larawan ang parte ng karagatan sa Narvacan, Ilocos Sur.....Isang banayad, tahimik na karagatan at di mo maarok ang nilalaman sa sobrang katahimikan....Kinuha ko ito habang kami ay kasalukuyang nag-iinspekyon ng mga proyekto ng DPWH...Isang karanasan na hindi ko makakalimutan ang masilayan ang isang lugar na ganito.....Kaya kung gusto niyong magmuni-muni siguro maganda kung ito ang inyong puntahan....tara na.....


Isang altar ni Juan ang masisilayan sa karagatan Narvacan, Ilocos Sur.....nakakamangha ang makakita ng isang lugar na ganito....maikukumpara ang buhay lugar na 'to minsan tahimik, minsan magulo ngunit sa kabila nito punong puno tau ng pangarap para makamit ang minimithi nating buhay.....Sa isang banda punong puno tau ng panalangin....kaya pumupunta tau sa mga lugar na ganito....isang payapa at tahimik na lugar...... 






ILOCOS NORTE



Ito ang lugar kung san naghihiwalay ang Ilocos Sur sa Ilocos Norte dati isang simpleng hangganan lang ngunit sa tagal ng panahon isa na itong magandang lugar na tinitigilan ng mga kapwa nating manlalakbay o dayuhan....Nagsisimbolo din ito kung paano ang lalawigan ay kaybilis umusbong at umasenso....kaya mga Taga-Ilocandia "agyaman kau nabaknang ta probinsya yu"....


Isa sa mga mahahabang tulay sa ating bansa ang Patapat Bridge ng Ilocos Norte, nagawa ito nung panahon ng Pangulong Ferdinand Marcos....Ito ay nasa gilid ng bundok at ng karagatan, matatagpuan ito sa dulo ng Ilocos Norte na nagdudugtong sa Cagayan....


IFUGAO


Ito ang lugar na unang pinaglibingan kay Heneral Artemio Ricarte ang bayan ng Hungduan, Ifugao. Dito sa mga bulubunduking ito dati nagtatago ang grupo ng heneral.....Ayon sa aking ibang nakausap na mga  tao dun, ito raw ang lugar na pinaglibingan sa bangkay ng heneral. Kaya napapaisip kung minsan...maganda rin pala kapag napupunta ka sa mga lugar na makasaysay....



Madadaanan ang lugar na ito kung ikaw ay patungo sa bayan ng Aguinaldo mula banaue.. Isang mahabang paglalakbay ang aming binaybay ng aking mga kasamahan ng madaanan namin ang lugar na to, kaya mula sa kalayuan napahinto kami at kinuhanan ng larawan ang lugar na to...Mula sa matayog na bundok ay bumabagsak ang tubig mula sa isang talon...kaya lang dahil sa nakakalbo nating kabundukan ay nasisira ang ating kalikasan.....pasintabi lang po....wag naman sana  nating sirain ang ating kalikasan....


Isang lugar ng isang tribu sa Banaue, Ifugao....mula sa taas ng bundok naisip kong kuhanan ng larawan ang lugar na to....di ba kayganda? napaisip ako kung saan ko nakita ang lugar na ito nung una kong makita....ito pala ung lugar na nakita ko sa isang "post card".


Way to Banaue-Mayoyao-Aguinaldo

Hungduan Terraces




Town of Balbalan


Town of Balbalan


The Ambuklao Dam






Banaue Rice Terraces



Banaue Rice Terraces 



Banaue Rice Terraces isang sikat at tanyag na lugar na maipagmamalaki nating mga Pilipino


Bata bata paano ka ginawa, karaniwang tanong ng karamihan sa ating mga pinoy. Mula sa tanong na 'to? masasabi natin ang galing mo Pinoy...bakit? Tingnan natin ang batang Pinoy na  'to....di ba kau humahanga kung paano ginawa ng Pinoy ang transportasyong ito...Dahil sa lawak ng iyong imahinasyon nag-iisa ka Pinoy. Kaya ako "ipinagmamalaki" kong maging isang Pinoy......Kaw kaibigan maipagmamalaki mong kaw ay isang Pinoy?



The Hungduan Boundary Line


Isang maunlad, malinis at magandang bayan ng Claveria, Cagayan.....Kami ay napadaan lang sa lugar na  'to, nasabi ko sa aming "driver" kaibigan pwede bang ihinto mo ang sasakyan....ang tanong niya, bakit "sir"? sabi ko, kukuhanan ko lang ang lugar na to... para masabi at maipagmalaki kong narating ko na ang lugar 'to...di ba kaygandang pagmasdan ang lugar na to....kaya bumaba ako ng sasakyan, pagkahinto nito...lahat kami ng aking mga kasamahan ay namangha sa ganda ng lugar kaya kinuhanan namin ng larawan....kaya halina at pumunta sa bayan ng Claveria....







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento